SA mga nagdaang survey kamakailan, nanatili si Congressman Sherwin “Win” Gatchalian sa loob ng “magic 12” sa mga kumakandidato sa pagkasenador. Umangat pa nga siya mula nang unang lumabas ang mga survey. Bagamat ang kanyang pulitika ay limitado lang sa Valenzuela kung saan ilang beses na siyang naging alkalde at kongresista, ang nagawa naman niya dito ang siyang nagpakilala sa kanya sa buong bansa. Bukas naman sa lahat ang lungsod upang makita ang mabilis na pag-unlad nito sa maikling panahon.

Ang hindi alam ni Win, sa kanyang pangangampanya para senador, may katulong siyang mga abogado. Ginagamit ng mga abogadong ito ang kanilang propesyon sa pagharap sa mga korte para ipaglaban ang interes ng kanilang mga kliyente.

Kaya sa layuning ito, nararating nila ang iba’t ibang bahagi ng bansa. Iba’t ibang korte ang kanilang naharapan at hinaharapan. Dahil ganito rin ang aking trabaho, nakakaugnayan ko sila. Nang malaman nila na ako ay taga-Valenzuela, sinabi nila na ang pinakamaganda at pinakamalinis na korteng kanilang nakita ay ang korte sa Valenzuela. At sinabi ko sa kanila na si Sherwin Gatchalian ang nagpagawa ng nasabing korte noong siya ay alkalde pa ng Valenzuela.

“Abogado ba siya?” tanong nila. “Iyan nga ang mapupuri mo sa kanya,” sagot ko, “hindi nga abogado pero alam niya ang damdamin hindi lamang ng mga nasa propesyon natin at mga empleyado ng hudikatura, kundi maging ang mga sangkot sa mga kaso.”

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang solusyon ni Win sa kahirapan ay edukasyon. Kung nakapag-aaral nga naman ang kabataan, lalo na ang mga dukha, may armas silang magagamit para sa kanilang kinabukasan. Libreng edukasyon ang kanyang ipinangangakong ipaglalaban kapag siya ay nanalong senador. Puwede siyang pagkatiwalaan ng mga manghahalal na kaya niyang tuparin ito. Ganito nga ang ginawa niya sa Valenzuela. Inilapit niya sa lugar ng mga dukha at ordinaryong mamamayan ang elementary at highschool. Kaya, nilalakad na lamang ng mga bata ang eskuwelahan mula sa kanilang tirahan. Ligtas na sila sa disgrasya, maalis pa sa kanilang pansin ang mga masamang bisyo tulad ng droga. Kaya, may kasiguruhan na hindi masasayang ang botong ipagkakatiwala kay Win. (Ric Valmonte)