Abril 23, 1968 nang itatag ang United Methodist Church, nang magtulong sina Bishop Reuben H. Mueller ng The Evangelical United Brethren Church at Bishop Lloyd C. Wicke ng The Methodist Church sa General Conference sa Dallas, Texas.

Sa mga katagang, “Lord of the Church, we are united in Thee, in Thy Church and now in The United Methodist Church”, naitatag ang bagong samahan ng dalawang simbahan na may kahanga-hangang kasaysayan at misyon sa iba’t ibang bansa.

Sinunod ng bagong samahan ang mga pag-aaral simula noong Protestant Reformation and Wesleyanism, na pinagtitibay ang disiplina sa pamumuhay na Kristiyano.

Noong ika-16 na siglo, kinuwestiyon ni Martin Luther ang ilan sa mga paniniwala ng Simbahang Katoliko Romano.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?