PANTABANGAN, Nueva Ecija - Hindi na nakaalpas sa kamay ng batas ang isang 38-anyos na lalaking wanted matapos itong maaresto ng mga tauhan ng Pantabangan Police sa Barangay Ganduz sa bayang ito, Lunes ng hapon.

Nasakote si Jun Placido y Dacanay, alyas “Jun”, residente ng nasabing lugar. Pangsiyam siya sa most wanted persons sa Pantabangan.

Dakong 1:00 ng hapon nang masukol si Placido sa pinagtataguan nito habang bitbit ng mga pulis ang arrest warrant ng suspek para sa kasong rape sa Cabanatuan City, at walang inirekomendang piyansa para sa kanya. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog