Jolina-Magdanga copy

RAMDAM ni Jolina Magdangal ang pagmamahal na muling ipinapakita sa kanya ng ABS-CBN magmula nang magbalik-Kapamilya siya a couple of years ago, pagkaraan niyang maging Kapuso nang more than 10 years.

 

Si Jolina ang isa sa tatlong hosts ng Magandang Buhay, ang bagong morning show ng Dos (tuwing 7:30 AM) kasama sina Karla Estrada at Melai Cantiveros.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Bihasa na si Jolens sa hosting, dahil ilang talk shows na rin ang hinawakan niya.

 

Ang pinalitang show ng Magandang Buhay ay ang KrisTV, kaya hindi maiiwasang ikumpara ang kanilang hosting job kay Kris Aquino.

 

“Iba siyempre si Ate Kris, kasi siya ‘yun, eh,” sabi ni Jolina. “’Yung sa amin, hindi kami parang alam namin lahat, kaya sinasabi naming pare-pareho kaming matututo sa show.

 

“Siguro, kung ano ‘yung gustong makita ng tao sa show, ‘yun ang pagbubutihan naming ihatid sa kanila tuwing umaga. Iba ‘yung kay Ate Kris, iba ‘yung sa amin.”

 

May sarili ring style sa pagho-host si Jolina at napatunayan na niya ito sa kanyang hosting jobs maging noong nasa GMA pa siya – malumanay pero interesting ang mga tanong niya. Hindi rin siya sanay mang-intriga.

 

Ayon kay Jolens, hindi lang siya, kundi tulung-tulong silang tatlo nina Karla at Melai sa pagdadala ng show.

 

Labis-labis ang pasasalamat niya sa ABS-CBN management sa tiwalang ito sa kanyang kakayahan sa paghu-host ng daily morning talk show.

 

Samantala, isa rin si Jolina sa mga kalahok sa Himig Handog P-Pop Songs na sa Linggo na ang finals night. Excited ang PPL artist sa kakantahin niyang Tama Lang, na ayon sa kanya ay bagay na bagay sa kanya ang lyrics.

 

Solved din si Jolina sa kanyang singing career dahil alaga rin siya ng Star Music, kaya maganda ang sales ng latest album niyang kalalabas lang sa market. (MELL NAVARRO)