Habang iginigiit na sapat ang supply ng tubig sa harap ng nararanasang El Niño sa bansa, nananawagan pa rin ang isang opisyal ng Palasyo sa mga residente ng Metro Manila na magtipid sa paggamit nito.

Ito ang inihayag ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma, Jr. dahil sa patuloy na pagbaba ng tubig sa Angat Dam bunsod ng mahabang panahon ng tagtuyot.

“Ayon sa National Water Resources Board, sa pamumuno ni Public Works Secretary Rogelio Singson, may sapat tayong supply ng tubig sa Metro Manila,” pahayag ni Coloma sa radyo DzRB. “Sa kabila nito, mahalagang magtipid ng tubig at huwag mag-aksaya.”

Una nang nagbabala ang awtoridad ng kakapusan sa tubig kaugnay ng patuloy na pagbaba ng tubig sa Angat Dam, na nasa 195.30 metro na nitong Sabado.

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

Mataas lang ito ng 7.03 metro sa tamang water level upang matugunan ang kailangang supply ng inumin, irigasyon at power generation. (Genalyn D. Kabiling)