Isang hindi nakikilalang lalaki ang natagpuang patay at may tama ng bala sa kanang bahagi ng ulo kahapon ng madaling araw, sa Quiapo, Manila.

Inilarawan ni PO3 Dennis Turla, ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktima na nasa edad 25-30, may taas na 5’5”, nakasuot ng asul na jersey sando na nasusulatan ng ‘Ateneo’, puting shorts na may bedrdeng stripes, at berdeng tsinelas.

Sa ulat, dakong 3:00 ng umaga nang makita ng ilang concerned citizen ang duguang biktima sa panulukan ng Elizalde at Globo de Oro Streets sa Quiapo.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima at suspek, gayundin ang motibo sa pagpatay. (Mary Ann Santiago)

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga