NAIS malaman ng lalaki kung anong propesyon ang pag-iibayuhin ng kanyang mga anak.

Dahil dito, naglagay siya sa lamesa, sa loob ng kanilang kuwarto, ng stethoscope, libro sa pag-aabogado at Bibliya.

Matapos noon tinawag niya isa-isa ang mga anak at pinapili kung ano ang kanilang gusto. Kinuha ng una niyang anak ang stethoscope. “Gusto niyang maging doktor,” bulong niya.

Libro naman sa pag-aabogado ang kinuha ng isa niyang anak. “Gusto niyang maging abogado.” sabi niya sa sarili.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

At ang isa naman niyang anak ay Bibliya. “Gusto niyang maging pari.”

At ang bunso naman niyang anak ang pinapili. Umikot ito nang umikot sa lamesa. At sa wakas ay kinuha niya ang lahat ng pagpipilian niya. Napaisip ang lalaki kung ano ang nais na propesyon ng bunso niyang anak. At mayamaya pa’y: “Ah!

Gusto niyang maging politician.”

Hindi lamang ipinapakita sa istoryang ito, kinuwento sa’kin ng isang kaibigan, ang iba’t ibang bokasyon kundi pati na rin ang hindi gaanong magandang impresyon sa pulitika. Bukas ay GOOD SHEPHERD SUNDAY.

Inilalarawan dito si Jesus bilang Good Shepherd na nagmamalasakit sa kanyang kasamahan at matiyagang naghahanap sa kanyang tupa.

Ngayong Linggo ay nakatuon bokasyon ng spiritual shepherds sa Simbahan katulad na lamang ng mga bishop at pari at maging political leaders at sa mga taong nagpapatupad ng mga patakaran at nagtuturo ng Salita ng Diyos katulad ng mga magulang, guro, at administrator.

Ang pagtawag ng Panginoon upang siya’y paglingkuran ay hindi kinakailangang maging madrama o kakaiba, katulad ng kay Samuel nang tawagin siya ng Panginoon habang natutulog siya sa templo.

Ang pagtawag ng Panginoon ay maaaring maging simple lamang at hindi inaasahan. May batang lalaki, halimbawa, na ganap na pari na ngayon ang nagsabing hinamon siyang pumasok ng seminaryo upang makapagbahagi ng salita ng Diyos.

May isa naman nagsabing kaya siya nakapasok ng religious congregation ay dahil sa lukot-lukot na brochure na kanyang pinulot sa isang basurahan. “Nalaman ko ang aking bokasyon mula sa basurahan.”

Bilang pakikiisa sa world prayer day bukas, ipanalangin natin hindi lamang ang religious vocations kundi maging ang paghikayat at suporta sa mga kabataan na nais suungin ang “less travelled road.”

Ang mga nais maglingkod sa Panginoon ay maaring makipag-ugnayan sa kanilang pari o sa kanilang vocation director/directress. (Fr. Bel San Luis, SVD)