Bilang bahagi ng isinusulong na kampanya sa kahandaan sa kalamidad, pinangunahan ni Makati City Mayor Romulo “Kid” Peña ang pamamahagi ng bagong kagamitan sa disaster preparedness sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaang lungsod.

Sa seremonya nitong Lunes, tinanggap ng iba’t ibang response unit ng Makati ang command center, rescue equipment at bagong sasakyan kabilang ang 11 na ambulansiya at pinakamalaking fire truck sa buong Pilipinas, na nagmula pa sa Austria at Germany.

Aniya, aabot ang hydraulic ladder ng fire truck hanggang sa ika-20 palapag ng isang gusali.

Ang pamamahagi ng mga firefighting equipment, search and rescue gear ay kabilang sa 10-point agenda ni Pena.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Bukod pa rito, aniya, ang tinanggap na tulong pinansiyal ng mga residente na naapektuhan ng mga kalamidad sa Makati.

(Bella Gamotea)