Sa sobrang galit dahil sa ginagawang pambu-bully sa kanya, nagdilim ang paningin ng isang construction worker at pinagsasaksak ang kanyang kapitbahay sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Agaw-buhay ngayon sa Tondo Medical Center si Victor Pintura, 24, residente ng Daang Hari, Navotas, dahil sa tinamong pitong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. 

Kusang loob namang sumuko sa mga pulis si Regen Rodrigo, 20, na ngayon ay nahaharap sa kasong frustrated homicide.

Ayon sa report, dakong 4:00 ng umaga nang makasalubong ni Pintura si Rodrigo sa Daang Hari at at muling na-bully ng una ang suspek.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Sa galit ni Rodrigo, kumuha siya ng kitchen knife sa bahay at pinagsasaksak si Pintura.

“Sobra na ‘yung ginagawa n’ya sa akin (suspek), nakakalalaki na, eh,” ani Rodrigo. (Orly L. Barcala)