HIGIT na presidentiable ang debate nitong Linggo sa pagitan ng mga kumakandidato sa pagka-pangalawang pangulo kaysa natapos nang dalawang debate ng mga kumakandidato sa panguluhan. Sa debate kasing ito ay higit na naliwanagan ng mga manonood kung ano ang kani-kanilang posisyon sa mga isyung mahalaga sa taumbayan. Malaking bagay kung naggagalangan ang mga nagdedebate kahit nagbabatikusan sila, dahil higit na pumapailanlang dito ang mga ideya at katwiran. Ganito ang nangyari sa debate ng vice-presidentiables.

Kapuna-puna na maraming oras ng debate ang inilaan sa corruption. Nasentro kay Sen. Bongbong Marcos ang isyu. Sa dalawang debate ng mga kandidato sa pagkapangulo, kay VP Binay naman. Ang dalawa ay nasa magkabilang bakod noon.

Pinaghiwalay sila ng martial law na idineklara ng ama ng senador na si dating Pangulo Ferdinand Marcos.

Human rights lawyer noon si VP Binay. Kasapi kami ng Mabini group of lawyers na itinatag upang ipagtanggol ang mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao. Mahigpit naming tinuligsa ang kalabisan at katiwalian ng martial law tulad ng pagpapayaman ng iilan gamit ang kanilang posisyon sa gitna ng kahirapan ng mamamayan. Ang iilang ito ay si Sen. Marcos at ang kanyang pamilya. Buong laya nilang ginamit ang gobyerno para sa sarili nilang kapakanan. Ang mga nagreklamo sa ginawa nilang ito, dahil sila ay nagutom at napabayaan, ay tinakot, dinakip, dinukot at pinatay.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang palusot ng senador ay hindi dapat ipasa sa kanya ang anumang nagawang kasalanan ng kanyang ama. Sa loob ng 27 taon niyang panunungkulan, hindi raw siya nasangkot sa corruption. Pero sagot ni Sen. Cayetano, maanomalya niyang ginamit ang kanyang PDAF. Kaya raw nagalit dito si Bongbong nang ipa-subpoena nito si Maya Santos sa imbestigasyong isinagawa ng Senado laban kay Napoles ay dahil si Santos daw ang ginamit na tulay sa kanyang PDAF kay Napoles. Isa pa, wika ni Cayetano, kapag kumandidato ang anak ni Napoles at ginamit nito ang kinita ng ina sa gobyerno sa hindi magandang paraan at ipinamudmod ito para sa sariling kandidatura, hindi ba ganito ang ginagawa ngayon ni Sen. Marcos? Kaya raw kapag may imbestigasyong ginagawa ang Senado tungkol sa corruption ay hindi dumadalo si Marcos.

Nang makatangan naman ng kapangyarihan si VP Binay, hindi niya ginawa ang kabaligtaran ng binabatikos niyang pagpapayaman ng mga Marcos. Ginaya niya ito. Kaya, sa mga debateng nangyari sa pagitan ng mga presidentiable, tulad ni Sen. Bongbong Marcos, may bitbit siyang mabigat na bagahe. (Ric Valmonte)