Pinayuhan ni Department of Health (DoH) Secretary Janette Loreto Garin ang mga kandidato at kanilang mga tagasuporta na iwasan ang mangampanya sa kasagsagan ng init ng araw.

“Avoiding 10 a.m. to 2 p.m., if possible, will be good. This is because this is the peak of UV (ultraviolet) radiation,” ani Garin.

Ito ang payo ni Garin sa inaasahang pukpukan sa pangangampanya ng mga kandidato sa mga nalalabing araw ng campaign period bago ang eleksiyon sa Mayo 9.

Ayon pa sa kalihim, maaaring tamaan ng heat stroke ang isang indibiduwal na matagal na nakabilad sa matinding sikat ng araw.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Ang heat stroke ay resulta rin ng sobrang init ng katawan, na nagreresulta sa labis na pagpapawis at dehydration.

Kabilang sa mga simtomas ng heat stroke ang pamumula ng balat, pagkahilo, panghihina, lagnat hanggang 41 degrees Celsius, mabilis na tibok ng puso, kombulsiyon, at pagkawala ng malay. (Charina Clarisse L. Echaluce)