Tatlong magkakasunod na grassfire ang naitala kahapon sa Naga City.

Sa pahayag ni SFO3 Jesus Pribaldos, ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Naga, sa loob lang ng ilang oras ay sunud-sunod ang naging pagresponde nila sa grassfire, kabilang ang sa isang bakanteng lote malapit sa tanggapan ng himpilan sa Barangay Tabuco.

Natagalan naman ang pag-apula sa sunog sa dalawang ektarya ng damuhan dahil walang mapasukan ang kanilang mga truck.

Sinabi ni Pribaldos na pinangangambahang umabot sa gasolinahan ang grassfire.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ang ikalawang grassfire ay nangyari sa Bgy. Barangay Dayandang, habang ang pangatlo ay sa Magsaysay Avenue.

(Jun Fabon)