TALAVERA, Nueva Ecija - Nananawagan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) na ma-exempt sa election ban ang DPWH 1st Engineering District dahil matagal nang naghintay ng approval ang may 200 infrastructure project nito sa hilagang bahagi ng Nueva Ecija.

Ayon kay DPWH 1st Engineering District Engineer George Santos, matagal na rin nilang hinihintay ang approval ng Comelec sa mga nakalatag na Local Infrastructure Projects (LIPs) ng kagawaran, pero hanggang ngayon ay hindi pa naaaprubahan ang mga ito.

Ang mga proyekto ay nasa Science City of Muñoz, San Jose City, Aliaga, Carranglan, Cuyapo, Guimba, Licab, Llanera, Lupao, Nampicuan, Pantabangan, Quezon, Rizal, Sto. Domingo, Talavera, at Zaragoza.

Matatandaang ipinagbabawal ng Omnibus Election Code ang anumang konstruksiyon sa mga pampublikong pagawin sa buong panahon ng campaign period (Marso 25-Mayo 8, 2016). - Light A. Nolasco

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito