Ngayon (Linggo) ang magiging huling laban umano ni boxing icon Manny Pacquiao matapos ang 21 taong pakikipagbasagan ng mukha sa magagaling na boxers sa mundo mula sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ang makakalaban niya ngayon ay si American boxer Timothy Bradley na tinaguriang “Desert Storm”. Para naman sa sports columnist na si Recah Trinidad, si Pacquiao ay “Pacific Storm”. Labanan ito ng mga “bagyo” sa Vegas kung ganoon.

Kung totoong ito na ang huling laban ni Manny sa parisukat na lona sa Las Vegas, siya ay tatanghalin (manalo man o matalo), bilang pinakasikat na boksingero ng kanyang panahon, pound-for-pound fighter, at tiyak na mailuluklok sa Boxing Hall of Fame.

Si Pacman ay kandidato sa pagkasenador. Kung papalaring manalo, may posibilidad nga na hindi na siya muling makikipagbakbakan pa upang ituon ang pansin sa Senado.

Si Pacquiao na kamakailan ay umani ng pagbatikos mula sa grupo ng mga Tomboy, Bakla, Bisexual at Transgender (TBBT) o Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender (LGBT), ay itinuturing na BAYANI sa Pilipinas dahil sa karangalang naipagkaloob sa bansa kaugnay sa pagiging kampeon sa walong division (8-division champion), siya ang tanging boxer sa mundo na nagtamo ng ganito karaming kampeonato.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Katulad ni Nora Aunor na marahil ay siyang tunay at orihinal na bersiyon ng “Modern Cinderella” sa bansa dahil mula sa pagiging water vendor, siya ay naging sikat at mayamang actress. Si Pacman ay itinuturing namang “Modernong Cinderello” dahil sa pagiging pobreng boxer na sa unang professional fight ay tumanggap lamang ng $20, ngunit ngayon ay bilyonaryo na.

Samakatuwid, mula sa $20 (halos P1,000) ay magiging $20 milyon na (halos P100 milyon) ang kikitain niya mamaya sa laban. Sa pakikipagsagupa niya noon kay Floyd Mayweather na tinawag pang “Battle of the Century” na naging isang palpak at nakakainip na bakbakan, si Pacman ay tumanggap ng $150 milyon. Ewan ko kung gaano kalaki ito sa piso dahil hindi na kaya ng calculator ko.

Sina President Aquino at Prince Albert II ay may tinatawag na “common denominator”. Ano ba iyon? Tingnan ang kanilang larawan sa mga pahayagan noong Biyernes sa cultural presentation sa welcome ceremony sa Malacañang noong Huwebes. Para hindi na kayo mag-isip at baka hindi ninyo napansin ang larawan, heto ang “common denominator” ng dalawa: Pareho ang hugis ng kanilang mga ulo at haircut, at kapwa nakasalamin.

Si Prince Albert II ay anak nina Prince Rainer III ng Monaco at actress na si Grace Kelly. Si PNoy naman ay anak ng dalawang “Icons of Democracy” na sina ex-Sen. Ninoy Aquino at ex-Pres. Cory Aquino. By the way, si Sen. Grace Poe ay pinayagan ng Supreme Court (SC) na tumakbo sa pagkapangulo. Ibinasura ng SC ang mga petisyon ng Comelec, ex-Sen. Kit Tatad, Estrella Elamparo, Antonio Contreras, at Amado Valdez. (Bert de Guzman)