Pormal nang isinalin sa simpleng turn-over rites ang hosting ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) mula sa season 91 host Mapua sa incoming season 92 host San Beda College na ginanap sa The Pearl Hotel sa Manila.

Ipinagkaloob ni outgoing policy board president Dr. Reynaldo Vea ng Mapua ang bandila ng NCAA na siyang sagisag ng pagiging susunod na punong-abala para sa pinakamatandang collegiate league ng bansa kay San Beda president Fr. Aloysius Maranan.

Sa naturang okasyon na dinaluhan din ng iba pang policy board members at Management Committee members ng liga na pinangungunahan nina outgoing ManCom chairman Melchor Divina ng Mapua at incoming ManCom chairman Jose Mari Lacson ng San Beda, inihayag ni Maranan ang pagbubukas ng Season 92 sa Hunyo 25 sa pamamagitan ng basketball tournament, sa MOA Arena sa Pasay City.

“Sports Build Character: Achieving Breakthroughs at NCAA 92,” ang magsisilbing tema ng pagdiriwang ng Season 92, ayon kay Maranan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We awaits this hosting to be a moment of collaborative effort among the member schools of the NCAA. Through the unity, hardwork and solidarity of everyone, we can look forward to an exciting NCAA this season,” aniya.

Pinasalamatan naman ni Vea ang lahat ng mga miyembro ng policy board at ManCom na tumulong sa kanila upang maging matagumpay ang kanilang hosting ng Season 91 sa kabuuan, hindi lamang sa basketball.

“We had a very competitive season I would say,” sambit ni Vea.

“There were many pulsating games that have us on the edge of our seats not only for the students but also to the general public. In other sports, we also had a competitive situation as well. That added to the biding together of the NCAA as a community.” (Marivic Awitan)