Ipatatawag ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang isang grupo ng senior police official na namataang nakikipagpulong sa isang staff ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas sa isang hotel sa Cubao, Quezon City, kamakailan.

“Our office will officially communicate with the concerned officers to have them answer the issues,” pahayag ni Chief Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng PNP, sa media.

Ito ay bilang reaksiyon ng PNP sa ulat na nakipagpulong ang apat na aktibong police general sa staff ni Roxas, kasama ang isang retiradong PNP official na kilalang malapit kay Roxas.

Ang apat ay sina Director Generoso Cerbo Jr., ng Directorate for Intelligence; Chief Supt. Renier Idio, hepe ng Cagayan Valley Police Regional Office; Chief Supt. Bernardo Diaz, hepe ng Western Visayas Police Regional Office; at Chief Supt. Ronald Santos, deputy director for administration ng Calabarzon Regional Police Office.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Ang retiradong opisyal naman na dumalo rin umano sa pulong ay si Deputy Director General Marcelo Garbo.

Samantala, aminado si Cerbo na nasa Novotel, Cubao siya, kasama si Garbo at ibang aktibong opisyal ng PNP, subalit nag-usap lamang sila at walang “political agenda” ang nasabing pagkikita. (AARON RECUENCO)