Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police-National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) ang isang Chinese makaraang makumpiska sa kanya ang may 10-kilong shabu na nagkakahalaga ng P50 milyon, sa buy-bust operation sa San Juan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni NCRPO chief Director Joel Pagdilao ang suspek na si JinFa Wang, 38, tubong Fujian, China, at nakatira sa Ongpin Street, Sta. Cruz, Manila.

Ikinasa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ang awtoridad hinggil sa bentahan ng ilegal na droga sa Viramall Shopping Mall sa Greenhills.

Hindi na nakapalag ang suspek nang arestuhin sa aktong tinatanggap niya ang marked money.

National

Bagong kurikulum ng DepEd, ipatutupad sa S.Y. 2025-2026

Nakasilid sa isang bag sa loob ng sasakyan ang may 10 kilong shabu.

Sinabi ng pulisya na si Wang ay miyembro ng grupo na nakorner noong nakaraang linggo sa Ugong Norte, Quezon City, na ikinaaresto nina Jose Cruz Tan at Rodel Sarabia Tolica.

Nakumpiska mula kina Tan at Tolica ng may P100-milyon halaga ng shabu. (Fer Taboy)