DAHIL panahon ngayon ng eleksiyon, kanya-kanyang pangako ang mga kandidato sa pagkapangul, katulad na lamang ng libreng pag-aaral, at iyan ay napalaking tulong sa mga magulang. Sa pamamagitan ng libreng edukasyon ay magkakaroon ng pagkakataon, lalo na ang mga kabataang kabilang sa mahihirap na pamilya, na makapag-aral at makapagtapos ng kursong kanilang ninanais. Kapuri-puri ito sa sinumang mahihirang na susunod na pangulo.

Ngunit, hindi lamang libreng edukasyon ang kinakailangan sa kasalukuyan. Hindi lang basta makapagtapos ng pag-aaral at makakuha ng kursong gusto nila. Kalakip nito dapat ang magandang KALIDAD.

Sa kasalukuyan ay nagkalat ang mga kolehiyo at unibersidad. Ang ibang unibersidad na pag-aari ng gobyerno ay nagkakaloob nga ng libreng edukasyon. Ngunit gaano ba ka-epektibo ito? May maganda bang resulta? Maaaring may resulta nga ngunit maliit at kulang sa inaasahan ng mga kabataang mag-aaral.

Ang kailangan nila ay hindi lang basta LIBRENG EDUKASYON kung hindi may uring EDUKASYON. Iyong may magandang kalidad. Iyong pagkatapos nila ay masasabing may natutuhan sila.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Tambak nga ang mga unibersidad ngayon at tambak din ang mga nagsisipag-aral. Marami sa mga mag-aaral ang libre o kung may bayad man ay halos maliit at kaya na ng mga magulang. Kumpleto rin ang mga iniaalok na kurso. Pero nakalulungkot ang resulta.

Karamihan sa mga unibersidad na nagbibigay ng mga libreng edukasyon ay mababa ang kalidad ng pagtuturo. Marami ang nakatapos pero kapag kukuha na ng BOARD EXAM ay hindi naman makapasa.

Pagkatapos mag-aral, hindi rin sila makahanap ng mapapasukan. Siyempre, ang hinahanap ng mga kumpanya ay iyong talagang may alam at may natutunan sa kanilang pag-aaral. Karamihan sa mga nagsipagtapos ay nasabi ngang naging propesyunal ngunit kahit Ingles Carabao ay hindi makapagsalita. (Rod Salandanan)