Marso 30, 1974 nang manguna sa Billboard hit chart ang awiting “Sunshine On My Shoulders” ni John Denver.
Binuo ni Denver ang awitin isang araw ng tagsibol na may panaka-panakang pag-ulan, sa Minnesota. Nadiskubre niya na gusto niyang lumabas ng bahay upang masilayan ang araw. Tinulungan siya ng lead guitarist na si Mike Taylor at ng bass player Richard Kniss sa pagsulat sa awitin.
Ang “sad” song ay unang ini-release sa album ni Denver noong 1971 na “Poems, Prayers and Promises.” Muli itong ini-release noong 1973, sa album na “Greatest Hits”, na bumenta ng mahigit 10 milyong kopya sa mundo.
Mas sumikat pa ang awitin nang gamitin ito sa pelikulang “Sunshine”, tungkol sa isang babae na namatay dahil sa cancer.
Kilala si Denver sa pagpapakilala sa “soften” na pop music nang mga panahong iyon, ngunit nakabenta siya ng 32.5 milyong record. Namatay si Denver sa plane crash noong Oktubre 1997.