Pinarangalan ng Philippine National Police (PNP) ang Quezon City Police District (QCPD) bilang “Best Police District” sa Metro Manila na may pinakamaraming nahuli at nakasuhan dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng “Oplan: Lambat, Sibat”.
Kabilang sa mga major accomplishment ng QCPD ay ang pagkakaaresto ng District Anti-Illegal Drugs (DAID) ng Quezon City Police sa dalawang hinihinalang miyembro ng Chinese drug syndicate sa Green Meadows Avenue sa E. Rodriguez Jr., Barangay Ugong Norte, na nakumpiska ang P100 milyon halaga ng shabu noong Marso 22.
Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Edgardo G. Tinio, tagumpay din ang 12 himpilan ng QCPD sa pagsugpo sa mga holdaper, drug pusher at user, Akyat-Bahay, carnapping, at pagresolba sa mga pagpatay. (Jun Fabon)