Ni MARY ANN SANTIAGO
Hindi dapat na mawalan ng pag-asa ang mga mananampalataya sa kabila ng terorismo at iba pang hindi magagandang pangyayari sa mundo.
Ito ang mensahe ni Pope Francis nang pangunahan niya ang Easter Sunday celebration ng mahigit isang bilyong Katoliko sa mundo kahapon.
Sa kanyang homiliya sa Easter vigil mass sa St. Peter’s Basilica sa Rome nitong Sabado ng gabi, sinabi ng Santo Papa na hindi dapat pahintulutan ng sangkatauhan na mamayani ang kadiliman at takot at “imprison” ang mundo sa pagiging negatibo.
“We see and will continue to see problems both inside and out. They will always be there,” ani Pope Francis. “Let us not allow darkness and fear to distract us and control our hearts.”
“Today is the celebration of our hope,” sabi ni Pope Francis. “It is so necessary today.” Ang mensahe ng Pagkabuhay ni Kristo “awakens and resurrects hope in hearts burdened by sadness,” ayon pa sa Santo Papa.
Ito ang inihayag ni Pope Francis kasunod ng pag-atake sa Brussels, Belgium nitong Marso 22 na ikinamatay ng 31 katao; at sa Iraq nitong Biyernes, na 29 naman ang nasawi. Inako ng Islamic State ang parehong pag-atake. - May ulat ng Associated Press