Dahil ang Kristyanismo ang nangungunang relihiyon sa mundo, binubuo ng mahigit dalawang bilyong tagasunod, hindi na nakagugulat na si Pope Francis ay mas popular kaysa karamihan ng mga lider ng mundo, ayon sa survey ng WIN/Gallup International.

Ibinahagi ng BBC News (World) ang balitang ito sa kanyang Twitter page: “Pope Francis is more popular than any political leader, a poll has suggested.”

Isinagawa ang survey sa 64 na bansa at ang Portugal (94%) at Pilipinas (93%) ang may pinakamasigasig sumagot sa tanong na, “Irrespective of your own religion, do you have a very favorable, somewhat favorable, somewhat unfavorable or very unfavorable opinion of Pope Francis?”

Ang pinakamababang rating ng papa ay nagmula sa Tunisia, Turkey at Algeria; na ang mga mamamayan ng Azerbaijan ay nagsabing hindi nila gaanong kilala ang Vicar of Christ. Ang mga Roman Catholic ang may pinakapaborableng opinyon sa 85 porsiyento, sinusundan ng Jews sa 65 porsiyento. Kalahati ng mga Protestant sa mundo, kasama ang karamihan ng mga atheist at agnostic, ay pinapaboran din siya.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang net score (+41) ni Pope Francis ay mas mataas kaysa kina Pres. Barack Obama (+30), German Chancellor Angela Merkel (+13), UK Prime Minister David Cameron (+10), at French President Francois Hollande (+6).

Sinabi ni WIN/Gallup International President Jean-Marc Leger: “Pope Francis is a leader who transcends his own religion. Our study shows that an ample majority of citizens of the world, of different religious affiliations and across regions, have a favorable image of the Pope.”

Inilabas ang balitang ito kasabay ng pag-obserba ng bansa sa Biyernes Santo. - Earl D.C. Bracamonte