BALER, Aurora - Pinagtibay kamakailan ng Sangguniang Panlalawigan ng Aurora ang resolusyon na magbubukas ng satellite office ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa lalawigan.

Ayon sa may akda ng resolusyon na si Board Member Pedro Ong, Jr., malaki ang maitutulong ng PCSO sa mamamayan ng Aurora dahil marami sa probinsiya ang nangangailangan ng kaukulang ayuda sa panahon ng kagipitan, partikular na sa gastusin sa pagpapagamot.

Planong buksan ang PCSO satellite office sa isang bahagi ng lumang ospital sa Baler na hindi na ginagamit, ayon kay Ong. - Light A. Nolasco

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?