Nananatiling ang pagkakalat ng basura ang problema sa mga pilgrimage na idinaraos ng mga mananampalataya sa iba’t ibang lugar sa bansa ngayong Semana Santa.

Ayon sa environmental watchdog group na EcoWaste Coalition, nakalulungkot na kahit sa mga relihiyosong okasyon, tulad ng taunang “Alay Lakad” sa Antipolo City, Rizal tuwing Huwebes Santo, ay hindi pa rin maiwasan ng mga pilgrim na magkalat.

Sinabi ng grupo na nitong Huwebes Santo ay marami na namang basura na iniwan ang mga pilgrim sa daang patungo sa Antipolo Cathedral, na roon dinarayo ang imahen ng Our Lady of Peace and Good Voyage.

“For the nth year, littering reared its ugly head as tens of thousands of people braved searing heat on Maundy Thursday to perform their penitential ‘Alay-Lakad’ to Antipolo City,” ani Aileen Lucero, coordinator ng EcoWaste Coalition.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ilan sa mga nakitang kalat sa kalsada ay mga upos ng sigarilyo, balat ng mga tsitsirya, plastic bags, mga bote, paper cups, mga barbecue stick at iba pa. (Mary Ann Santiago)