Limang magkakamag-anak ang nalunod habang naliligo sa dagat sa Barangay Sinisian, Calaca, Batangas, nitong Huwebes ng gabi.

Ang mga biktima ay kinilala ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) na sina Lorenz Kyle Boa, 11; Jimson Boa, 17; Lazaro Boa, 20; John Joseph Mendoza, 23; at Herminigildo de Castro, 21 anyos.

Nakaligtas naman sa pagkalunod si Christian Mark Vergara, 15, at nagpapagaling na sa Don Mayuga Provincial Hospital sa Lemery.

Ayon sa report, unang nalunod si Lorenz Kyle na tinangkang sagipin ng apat pang biktima. (Fer Taboy)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog