“SA Diyos, walang imposible,” wika ng isang ina na labis-labis ang pagdaramdam sa ginawa sa kanyang anak at apo.

Nakakaawa ang ginawa sa dalawa. Minartilyo ang kanilang mga ulo na halos patay na nang matagpuan sila sa kanilang tahanan sa Sta. Rosa, Laguna. Patay na ang bata nang makarating ito sa ospital, habang agaw-buhay naman ang ina. May ilang araw din itong nakaratay sa ospital. Ipinamalas ng ina ang matibay niyang pananalig sa Panginoon Diyos na maaari pang mabuhay ang kanyang anak nang tanggihan niya ang nais mangyari ng doktor. Gusto kasi ng doktor na tigilan na ang paggamot sa kanyang anak dahil ito na lang bumubuhay sa kanya. Hindi nagtagal, pumanaw ang kanyang anak.

Hindi naganap ang inaasahan ng ina. Pero, nangyari naman ang hindi niya inaasahan. Sa gitna ng pangangalap ng mga ebidensya ng mga may kapangyarihan upang matunton ang mga salarin at sa gitna ng pagdadalamhati ng mga kamag-anak ng mga nasawi, sumuko ang isa sa mga gumawa ng karumaldumal na krimen. Inamin niya ang kanyang partisipasyon. Ang hindi rin inaasahan ng ina na ang isa sa mga nakikidalamhati sa kanila ay siyang itinuturong utak ng pagpatay sa kanyang anak at apo. Ang asawa ng kanyang anak o ang kanyang manugang ang sinasabing umaming salarin ito ng pagpatay at binayaran sila ng P6,000 para isagawa ang pagpatay. Ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga ito sa ibang pangalan.

Kaya pala hindi kailanman humarap sa telebisyon ang asawa ng pinatay mula nang maganap ang krimen. Nakunan lang siya nang dungawin niya sa kabaong ang kanyang maybahay, pero nakasumbrero na siya, nakatakip pa ang mukha at mga mata lang nito ang nakalabas. Maaaring may iniiwasan siyang makakilala sa kanya.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Hindi nangyari ang gusto sana ng ina na mabuhay ang kanyang anak. Wala rin kasing ibubunga ng maganda kung nabuhay ito sa kabila ng tinamo niyang mga palo ng martilyo sa ulo. Hindi rin niya maituturo ang puminsala sa kanila. Pero, sinagot ang matibay na pananalig ng ina sa ibang paraan. Sumuko ang isa sa mga salarin upang pangibabawin ang Kanyang katarungan. (Ric Valmonte)