CAMP OLIVAS, Pampanga – Naaresto ng mga awtoridad ang 24 na indibidwal na sangkot sa droga at iba pang krimen sa operasyong “One Time, Big Time (OBTB)” sa lalawigan ng Bataan.

Sinabi ni Chief Supt. Rudy Lacadin, regional police director, ang OTBT Operations ng Bataan PNP nitong Marso 23 ay nagresulta sa pagkakaaresto sa number 1 most wanted person sa Bataan at pagkakalambat sa 24 na iba pang most wanted person at drug personalities.

Ayon kay Gen. Lacadin, 2 drug suspect ang nadakma sa Abucay at 3 sa Balanga habang tig-isa ang naaresto sa mga bayan ng Morong, Orion, Dinalupihan, Limay at Hermosa, at tig-dalawa sa Mariveles at Orani. Ang iba pa ay naaresto ng provincial public safety. (Mar T. Supnad)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente