CONCEPCION, Tarlac - Nakarekober ng malaking gramo ng droga, shotgun, granada at iba pang paraphernalia ang mga tauhan ng Concepcion Police at tracker team ng Provincial Intelligence Branch (PIB) matapos silang magsilbi ng mga search warrant sa Ilang-Ilang Street sa Barangay Minane, Concepcion, Tarlac.

Sa pagsisilbi ng search warrant 66-16, 67-16, at 68-16, nasamsam ng pulisya mula sa bahay ni Winifredo Sese, 38, ang 19 na transparent plastic sachet na naglalaman ng hindi pa matiyak na gramo ng shabu, dalawang granada, weighing scale, isang shotgun, mga bala, at iba pang paraphernalia.

Hindi naman natagpuan sa lugar ang kapatid ng suspek na si Kerbie Sese, alyas Biboy, 21, subalit nakakumpiska ang awtoridad ng tatlong transparent plastic sachet na may laman din na shabu. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog