Marso 19, 1931 nang gawing legal ng Nevada state legislature ang pagsusugal sa Nevada, upang mabawasan ang epekto ng Great Depression. Naging legal na rin ang diborsiyo noong taong iyon.

Nag-isip ang mga opisyal ng bansa na mamuhunan upang pasiglahin ang turismo sa Nevada at mapaunlad ang ekonomiya nito.

Ang pagkakadiskubre sa ginto at pilak na imbakan sa Nevada noong 1859 ang naging dahilan upang mahikayat ang mga tao na manirahan sa Nevada upang mapakinabangan ang potensiyal ng lugar sa pagmimina. Ang Nevada ay naging ika-36 na estado ng United States sa kasagsagan ng Civil War. Ngunit nang magsimula ang Great Depression, nanamlay ang ekonomiya nito.

Simula nang maitatag noong 1905, nakilala ang Las Vegas sa Nevada bilang pasugalan at lugar ng mga tanghalan. Malaki rin ang naiambag, sa over-all tax revenue, ng mga buwis mula sa pasugalan. Gayunman, kasabay nito ay naging talamak ang krimen sa Las Vegas.

Trending

Tikiman time! Kakasa ka bang kainin ang Pomegranate?