NANANATILING nangunguna sa pinakabagong presidential survey si Senator Grace Poe habang pumapangalawa naman si Davao City Mayor Rodrigo Duterte, ayon sa ulat ng Pulse Asia.

Painit na nang painit ang labanan patungong Malacañang, lalo na sa pagitan ng anak ni FPJ na si “Amazing Grace” at ni Digong “The Punisher”.

Ayon pa sa Pulse Asia, pumapangatlo si Vice President Jejomar Binay ng opposition United Nationalist Alliance (UNA), sinundan ni ex-DILG Sec. Mar Roxas ng Liberal Party(LP), at panglima naman si Sen. Miriam Defensor Santiago.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Humabol kayo, Nognog, Mar, at Miriam! Bumawi kayo sa susunod na survey.

Sa pinakahuling survey, sa pakikipagtulungan ng ABS-CBN nitong Marso 1 hanggang 6 na may 2,600 rehistradong botante, si Poe ay nakakuha ng 28 porsiyento; si Duterte ay 24% (mula sa 22% nitong Pebrero); si Binay ay may 21% (mula sa 24%); si Roxas ay may 20% (mula sa 19%); at si Miriam ay may 3% habang ang 5% ay tumangging bumoto.

Makikita ang mga kalakasan at kahinaan ng mga kandidato sa pagkapangulo.

Pagdating sa geographic picture, si Poe ang top choice sa Luzon (36%), si Roxas ay nangunguna sa Visayas (37%), habang nangunguna sa Mindanao ay si Duterte (47%).

Pagdating sa Metro Manila, nangunguna sina Poe (30%), Duterte (23%), at Binay (23%).

Kung ang upper-to-middle class at mahihirap ang tatanungin: si Duterte ay may 30% and 21%, ayon sa pagkakasunod, si Binay ay may 21% at 22%, ayon sa pagkakasunod, si Poe ay may 17% at 25%, ayon sa pagkakasunod, at si Roxas ay may 17% at 26%, ayon sa pagkakasunod. Bakit magkaiba ang pananaw ng mayayaman at mahihirap?

Pagdating naman sa class D o ang “masa” category, si Poe ang nangunguna sa 29%, ayon sa Pulse Asia.

Mahal ng “masa” ang anak ng Panday gaya ng kanilang pagmamahal sa ama nito.

Samantala, sinabi ni Sen. Poe na ang attendance ng mga miyembro ng NPC sa LP rallies ay “only a show of courtesy.”

Caught between two lovers? Pakinggan natin ang mungkahi ni Boss Danding.

Pinakiusapan ni Pangulong Benigno Aquino ang mga gobernador na huwag mag U-turn mula sa “Daang Matuwid” kahit patapos na ang kanyang termino dahil ipagpapatuloy naman ito ni Mar Roxas.

Diretso lang, walang paliku-liko, pakiusap ni PNoy. (FRED M. LOBO)