Hinikayat ni Nationalist People’s Coalition (NPC) senatorial candidate Rep. Win Gatchalian si Pangulong Aquino na agad lagdaan bilang batas ang panukala sa pagtatatag ng Department of Information and Communications Technology (DICT) matapos ang hacking sa banking system, na $781 million ang ilegal na nailipat sa local accounts ng RCBC Savings Bank mula sa Bangladesh Bank.

“We need to pass the proposed law to prevent any potential hacking of our banking system which could lead to tremendous financial losses like what happened to Bangladesh,” pahayag ni Gatchalian, miyembro ng House Committee on Trade and Industry.

Tinukoy ni Gatchalian ang Senate Bill No. 2686 at House Bill No. 6198 na nagsusulong sa pagtatatag ng DICT na hahalili sa pinaplanong Department of Transportation (DoT).

Tinanggap na ng Senado ang House bill bilang pag-amyenda sa bersiyon na ito nitong nakaraang buwan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kabilang sa mga ahensiyang sasailalim sa DICT ang Cybercrime Investigation and Coordination Center (CICC), na may kapangyarihang magbalangkas ng national cybersecurity plan at ang pagtataguyod ng pagtutulungan ng international community sa usapin ng cybersecurity.

Kasalukuyang pinamumunuan ng executive director ng Information and Communications Technology Office, sa ilalim ng Department of Science and Technology (DoST), nakasaad sa panukala na ang CICC ay pamumunuan ng DICT secretary.

Aminado si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ricardo Marquez na marami nang institusyon sa pananalapi ang nabiktima ng mga computer hacker, kabilang ang malalaking bangko sa bansa, at bilyun-bilyong pisong halaga ng deposito ang natangay.