QUITO, Ecuador (AFP) – Bumulusok ang isang eroplano ng Ecuadoran army sa Amazon rainforest nitong Martes, na ikinamatay ng lahat ng 22 kataong sakay nito, sinabi ni President Rafael Correa.
“There are no survivors,” sulat ni Correa sa Twitter, ilang minuto matapos unang ipinaskil ang balita tungkol sa crash. “This is a tragedy.”
Ayon sa kanya, sakay ng eroplano ang 19 na paratrooper, dalawang piloto at isang mekaniko.
Bumulusok ang eroplano sa silangang probinsiya ng Pastaza, malapit sa hangganan sa Peru.