RICHARD AT RICHARD copy

NAKATSIKAHAN namin ang honcho ng Cornerstone na si Erickson Raymundo nang magpa-set kami ng interview kina Richard Poon at Richard Yap na itinaon sa pictorial ng dalawa para sa upcoming concert nila sa PICC sa Agosto.

Sabi ni Erickson, wala pang title ang concert ng dalawang Richard dahil hindi pa napa-finalize ang lahat ng mga detalye, maliban na siya mismo ang nakaisip na pagsamahin sila sa concert.

“Naisip ko lang na puwedeng pagsamahin ang dalawa since pareho silang Chinese ‘tapos nu’ng banggitin ko sa kanila, pumayag naman sila,” kaswal na sabi ni Erickson.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Bakit PICC ang venue at hindi sa Smart Araneta Coliseum para madaling puntahan?

“Eh, puro mayayaman ang followings nila, puro Chinese, hindi naman sila pangmasa, lalo na si Richard Poon,” mabilis na sagot sa amin.

E, masa si Richard Yap dahil artista siya at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimutan bilang si Papa Chen at si Sir Chief. Ayaw siya ng iba bilang si Philip sa Ang Probinsyano dahil kontrabida siya.

“Oo, masa nga, pero most of his supporters were Chinese, saka sosyal talaga ang crowd nila pareho, AB, ‘yung gustong mapanood si Richard (Yap), I’m sure susundan pa rin siya,” katwiran ni Erickson.

May punto rin naman.

Samantala, nakausap namin habang nagpapalit ng damit si Papa Chen, (Ito talaga ang nakasanayan naming tawag sa kanya at never namin siyang tinawag na Richard) kung ano ang next project niya pagkatapos ng guesting niya sa Ang Probinsyano.

“Mayroon na, actually, I’m taping nga, pero hindi pa umeere ‘yung serye, I still don’t know kung kailan ang airing and what timeslot. Guest ulit ako roon, hindi pa ako mainstay,” pahayag ng aktor.

Marami pa ring tumatawag sa kanya ng Papa Chen at Sir Chief kaysa Philip na okay lang sa kanya.

Magtatambal ba uli sila ni Jodi Sta. Maria na hanggang ngayon ay marami pa rin ang gustong gumawa sila ng serye?

“Oo nga, eh, so far walang offer at saka baka malabo kasi I’m doing another serye now, ‘yung guest ako, so wala sa plano siguro,” sagot ni Papa Chen.

Ano ang update sa serye nila ni Judy Ann Santos?

“Siya (Juday) na lang ang hinihintay kung kailan siya ready. Tuloy pa naman daw iyon according to management (ng ABS-CBN), so if she says, she’s ready, then go na kami. I think before end of this year yata,” aniya.

Nabanggit din niya na may plano rin dati na mag-solo concert siya, pero hindi natuloy kaya ngayong inalok sila ng Cornerstone Concerts at maganda naman ang konsepto ay pumayag na sila ng management niya.

“I still don’t know pa the details kasi magmi-meeting pa kami regarding the songs that I’m gonna sing then si Richard (Poon) kung ano rin ‘yung gagawin niya. I have no idea pa talaga, pero definitely old songs ang kakantahin ko,” kuwento ni Sir Chief.

Kakanta rin ba siya ng Chinese song, tulad ng ginagawa ni Richard Poon kapag may show ito?

“I still don’t know, tingnan natin, wala pang sinasabi sa akin,” sagot ng aktor.

Sasayaw ba siya with the G-Force Dancers?

“Ha-ha-ha, no idea,” natawang sagot sa amin.

Wala pa ngang production meeting, kaya wala pang alam si Papa Chen sa gagawin niya sa concert, ang kulit kasi namin.

(REGGEE BONOAN)