Sef Cadayona and Max Collins copy copy

NGAYONG Linggo na ang huling episode ng GMA News and Public Affairs show na Juan Tamad. Sa wakas, maipagmamalaki na ng kanyang mga magulang ang tamad na si Juan D. Magbangon dahil aakyat na ito sa stage upang tumanggap ng diploma.

Mahabang paglalakbay ang tinahak ni Juan upang makapagtapos ng pag-aaral. Nag-drop out niya, umulit ng senior year, nasangkot sa student-teacher scandal, at nahulog ang sa isang school mascot.

Pero bago pa man maisuot ni Juan ang kanyang toga, may kulang daw siyang grade! Kailangan niyang makumpleto ang pagsusulit sa kanyang political science class sa ilalim ng lecturer at ng kanyang first love na si Marie. 

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Bittersweet ang susunod na mga eksena dahil haharapin ni Juan si Marie sa huling pagkakataon. Ipapaliwanag ni Juan ang lahat ng natutuhan niya sa klase ni Marie, lalung-lalo na ang pag-ibig niya sa dalaga na tulad ng kanyang pagmamahal sa bayan — masidhi at puno ng sakripisyo, ay walang hinihintay na kapalit.

Sa graduation ni Juan magtatapos ang matagumpay na pag-ere ng Juan Tamad na modern adaptation ng kilalang classic folk tale o kuwentong-bayan. Ito ang unang title role ni Sef Cadayona, kasama sina Max Collins, RJ Padilla, Marissa Sanchez, Melanie Marquez, Roi Vinzon, Gene Padilla, at Jelson Bay, sinulat nina Rody Vera at Liza Magtoto mula sa direksiyon ni Soxie Topacio

Panoorin ang finale episode ng Juan Tamad ngayong Linggo (March 13), 4:45 PM, sa GMA.