Marso 12, 1988 nang biglaang bumuhos ang malakas na ulan kaya nagtakbuhan ang libu-libong nanonood ng soccer game patungo sa mga nakakandadong pintuan palabas ng National Stadium sa Katmandu, Nepal, at 93 katao ang nasawi habang daan-daan naman ang nasugatan. Ito ang pinakamatinding trahedya sa larangan ng sports sa bansa.

Aabot sa 30,000 tagahanga ang nanonood sa laban ng mga koponang Napalese (“Janakpur”) at Bangladeshi (“Muktijodha”) nang biglang bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang malakas na hangin, kidlat, at malalaking yelo. Ayon sa mga saksi, isa lang sa walong pintuang palabas ang bukas nang mga oras na iyon, upang maiwasang makapasok ang mga walang ticket. Nabigo rin ang mga awtoridad na buksan ang iba pang pintuan.

Nasa 20 bangkay ang kalaunan ay natagpuan sa stadium, at nasawi ang mga biktima dahil sa suffocation o kaya ay sa pagkaipit. Ang bagyo ay may lakas na 50 milya kada oras, nagawang patumbahin ang mga puno at naapektuhan ang mga linya ng komunikasyon.

Makalipas ang isang taon, nagkaroon muli ng stampede sa Sheffield, England at 96 ang namatay.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'