BAMBAN, Tarlac – Nilooban at tinangayan ng 41 sasabunging manok, na nagkakahalaga ng P410,000 ang JTF Farm sa Sitio KKK sa Barangay Sto. Niño, Bamban, Tarlac.

Ini-report sa pulisya ni Jaymar Liquigan, 26, katiwala sa farm, at tubong Kalinga, ang insidente na pinaniniwalaang nangyari dakong 3:00 ng umaga.

Sa imbestigasyon ni PO2 Jeramie Naranjo, umamin ang isa sa mga katiwalang si Felicisimo Bulibuli, 37, na isa siya sa mga nagnakaw sa mga sasabungin, kasama sina Garry Dela Cruz, ng Mabalacat City, Pampanga; Jonathan Esguerra; Allan Santos; at Rolly Caldeo, pawang taga-Bamban, Tarlac.

Sa follow-up operation ng Bamban Police Station ay narekober sa kubo ni Bulibuli ang pitong bayong at isang sasabungin. (Leandro Alborote)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?