MAHIGIT isang linggo pa lamang ang nakalilipas, isang kahindik-hindik na balita ang tumambad na nakasusulasok sa sikmura ng mga Pinoy. Isang babae ang pinatay at tsinap-chop ng kanyang asawang dayuhan. Hindi lamang nakahihindik ang ginagawang krimen kundi, nakakaalibadbad pa.

Una nang naibalita ang isang teenager na pinatay at pagkatapos ay sinunog. Isang anak na inuntog sa lababo ang kanyang ina hanggang sa mamatay at kung anu-ano pang nakasusulasok na mga krimen na ni sa hinagap ng matinong Pinoy ay hindi gagawin.

Hindi lamang iyan ang nangyayaring krimen sa bansa. Mayroon ding ginagahasa at pagkatapos ay papatayin, mga kawawang mamamayan na makasalubong lamang ng isang bangag ay basta binaril o sinaksak.

Sa mga pangyayaring ito ay maraming nagtatanong, kailangan na ba talagang ibalik ang parusang bitay sa ating bansa? Kailangan na nga bang ipataw ang pinakamalupit na parusa sa isang kriminal na mala-demonyo na ang ginagawang kasalanan?

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa isinagawang debate kamakailan sa Mindanao, kung saan nagsidalo ang mga kandidato sa pagkapangulo, ay maraming isyung tinalakay. Ngunit, kahit isa sa kanila ay walang nabanggit sa plataporma na kung sila ang magwawagi ay ipatutupad nila ang parusang bitay. Tila lahat ay umiiwas sa isyung ito na kailangang-kailangan at hinihintay pa naman ng mga biktimang mamamayan.

Halos araw-araw ay palala nang palala ang mga krimen sa bansa. Mga krimeng kung ikaw o mga kaanak, lalo na ang mga anak, kapatid o magulang mo ang magiging biktima ay baka maghuramentado ka at ilagay mo na rin sa kamay mo ang batas. Pero ang pamahalaang ito ay patuloy naman sa pagbabalewala. Hihintayin pa kaya nilang sila mismo ang maging biktima? Inuuna ng gobyernong ito ang mga propaganda at pagpapapogi, inuuna ang pagnanakaw sa kaban ng bayan tulad ng PDAP, na kunwari ay wala na ngunit halata namang binago lamang ang pangalan. Sa halos lahat ng sangay ng pamahalaan ay laganap ang kurapsiyon. Wala kang mababalitaang malinis na sangay ng gobyerno na walang nagaganap na pananamantala.

Malupit ang parusang bitay. Pero kung ang mahahatulan naman ay ang mga demonyong nagkalat sa mga lansangan at sa ating lipunan sa kabuuan, dapat siguro ay ipatupad na ito para naman kahit na papaano ay magkaroon ng pag-asa ang mga mamamayang naging biktima ng kawalanghiyaan. (ROD SALANDANAN)