ROXAS, Isabela – Agad na nadakip ang tatlong suspek sa pamamaril sa isang negosyante at nakumpiska mula sa kanila ang matataas na kalibre ng baril sa Barangay Bantug sa bayang ito.

Nagmamando ng checkpoint ang mga pulis at mga operatiba ng 2nd Maneuver Platoon nang makatanggap sila ng report tungkol sa barilan, at mabilis silang nagresponde na ikinadakip nina Eniego Purugganan, 43, marine engineering graduate, ng Bgy. Muñoz, Roxas; Julian Batangan, 41, magsasaka, taga-Bgy. San Vicente, Jones; at isang 17-anyos na lalaking taga-Jones, Isabela.

Dakong 10:30 ng umaga nitong Lunes nang barilin si Virgilio Almazan, Sr., 65, ng Bgy. Muñoz East, Roxas, habang sakay sa kanyang itim na Mistubishi Strada (TMO-997) na ginamit pang get away vehicle ng mga suspek, sa Bgy. Bantug.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang Colt Ar-15 5.56mm, isang CQ-A 5.56mm, dalawang .30 caliber 30 US carbine, isang .30 MI garrand serial, isang .40 caliber Taurus PT100, isang .40 caliber Para Ordinance, at iba’t ibang magazine ng baril.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinasabing away sa lupa ang posibleng motibo sa krimen. (Liezle Basa Iñigo)