NAKABABAHALA ang inilarawan sa isang pag-aaral ng World Meteorological Organization sa Pilipinas. Ayon sa pag-aaral, ang tubig sa kapaligiran ng Pilipinas ay tumataas ng tatlong ulit na mabilis kaysa sa average sa buong daigdig, na 3.1 sentimetro bawat 10 taon.

Isa pa itong masamang balita para sa isang bansa na hinahagupit ng 20 bagyo taun-taon, at itinuturing ng United Nations na pangatlo sa mga bansang nanganganib sa climate change.

Dahil dito, kailangan nating tutukan ang pagbalangkas ng mga estratehiya.

Sa paglalakbay ng aking pamilya sa Netherlands, nakita namin ang isang estratehiya na maaaring tularan ng Pilipinas.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ipinagmamalaki ko na ginagawa na rin ito ni Paolo sa Pilipinas. Ang tinutukoy ko ay ang mga lumulutang na tahanan, na tinatawag ni Paolo na “Vintahanan.”

Ang nakita naming mga lumulutang na tahanan sa Netherlands, na tinatawag na “leven met water” o paninirahan sa tubig, ay bahagi ng bagong estratehiya sa pagpaplano sa lungsod sa nasabing bansa.

Simple lang ang dahilan dito. Sa halip na pigilin ang pagtaas ng tubig, humanap ng paraan para makiangkop dito.

Hindi matatawaran ang mga Olandes sa estratehiyang ito dahil sila ang may pinakamakabagong teknolohiya sa pangangasiwa sa baha sa mundo. Ito ay dahil dalawang ikatlong bahagi ng kanilang bansa ay madaling bahain.

Naniniwala si Paolo na maaaring gamitin sa Pilipinas ang nasabing estratehiya dahil problema rin dito ang baha.

Gaya ng ipinaliwanag sa amin ng kumpanyang Dura Vermeer, may nakabaong mga poste na pipigil para huwag tangayin ng agos ang mga bahay. Ang mga pangunahing serbisyo, gaya ng kuryente at tubig, ay gagana kahit tumaas ng ilang metro ang mga bahay.

Ang proyektong Vintahanan Village sa lawa ng Laguna ay nilikha ni Paolo, bilang pangulo at CEO ng Vista Land.

Ganito ang paliwanag ni Paolo: “Ang floating village at ang teknolohiya na ginagamit sa pagtatayo ng mga bahay rito ay angkop sa Pilipinas, isang archipelago na lantad sa climate change. Ito ay mabisang paraan upang mabawasan ang pinsalang idinudulot ng climate change, lalo na ang malubhang pagbaha at ang pagtaas ng tubig sa karagatan.”

Nakipag-ugnayan ang Vista Land sa Laguna Lake Development Authority, Department of Works and Public Highways, at Dura Vermeer upang magtayo ng modelong bahay na maaaring makita ng sinuman upang gayahin.

(Ipadala ang reaksiyon sa: [email protected] o dumalaw sa www.mannyvillar.com.ph) (Manny Villar)