Ipinagpaliban na naman ng Sandiganbayan ang pre-trial sa kasong plunder at graft na kinakaharap ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. kaugnay sa pagkakadawit nito sa pork barrel scam.

Sa ikaapat na pagkakataon, nagpasya ang First Division ng anti-graft court na iurong ang pre-trial matapos aminin ng prosekusyon sa korte na hindi pa sila tapos sa ginagawa nilang marking of evidence para sa kaso.

Inihayag ni Atty. Ramon Esquerra, abogado ni Revilla, na hihintayin muna nilang matapos ang “marking of exhibits” ng prosecution panel upang matukoy na rin ng kanyang kliyente ang ihaharap nilang counter exhibits.

Nakapiit ngayon si Revilla sa PNP-Custodial Center sa Camp Crame kaugnay ng akusasyong tumanggap siya ng P224 million kickback sa paglalaan ng bahagi ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa mga pekeng non-government organizations ni Janet Lim-Napoles, ang itinuturong utak ng scam. (Rommel P. Tabbad)

Tsika at Intriga

Sue Ramirez, inurirat sa viral pictures nila ni Dominic Roque