VALLETTA, Malta (AP) — Pumanaw na si Tony Dyson, ang bumuo sa Star Wars robot na si R2-D2, sa kanyang bahay sa Malta, sinabi ng pulisya nitong Biyernes. Siya ay 68.
Nadiskubre ang bangkay ni Dyson nitong Biyernes sa kanyang tirahan sa Gozo island sa Malta. Inalerto ng mga kapitbahay ni Dyson ang mga pulis dahil ilang araw na nilang hindi nakikitang lumalabas ng bahay si Dyson.
Si Dyson ay isang British national na nanirahan sa Malta simula noong 1990s.
Ayon sa pulisya, walang foul play na naganap. Magsasagawa ng awtopsiya upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay ni Dyson.
Ang squat R2-D2 droid, sidekick ni C-3P0, ay naging isa sa mga paboritong robot sa mundo. Mahalaga ang naging parte nito sa Star Wars at may crucial appearance sa huling episode na The Force Awakens.