MAY mga lumulutang na balita na sina Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero ay pinagbawalang magdaos ng political rally sa Davao City. Hindi umano sila binigyan ng permit para mag-rally sa nasabing lungsod. Nakatakda sanang mangampanya ang Poe-Chiz tandem sa Davao City noong Biyernes pero hindi natuloy kaya sa panibagong schedule na lang isasagawa. Bakit, natatakot ba sila sa isang foundling? Of course, itinanggi ng machong alkalde na pinagbawalan sina Poe at Escudero na mangampanya.

May ulat din na maging sa Capiz, hometown ni ex-DILG Sec. Mar Roxas, pambato ng Liberal Party (LP), ay hinarang din ang nakatakdang campaign rally nina Poe-Francis. Hindi raw pinayagang makapasok at makapagsalita sa harap ng mga estudyante sa loob ng isang eskuwelahan. Pinasok ng dalawa ang lalawigan ng mga aswang, este Capiz po pala (patawad), dahil nais nilang makatalamitam ang mga Capizeno at hikayatin sila na iboto ang Poe-Chiz tandem sa Mayo 9.

Gayunman, mariing itinanggi ng “manok” ni PNoy at beloved one ni Ms. Korina, na siya o ang LP ang nasa likod ng umano’y hindi pagkakaloob ng permiso para makapagdaos ng kampanya ang mga kandidato ng Independent Party na kung tawagin ay Galing at Puso (GP). Hindi raw kailanman gagawin ni Mar Roxas ang gayong taktika kahit malimit niyang patutsadahan at banatan si Sen. Grace na walang karanasan, kumbaga sa isang driver ay baguhan pa lang, at kumbaga sa trabaho ay OJT (on the job training) pa lang.

Maging sina Vice President Jojo Binay at Sen. Miriam Defensor Santiago ay naniniwalang wala pang sapat na kakayahan si Poe para maging pangulo dahil sa bigat ng responsibilidad na nakaatang sa pagiging Punong Ehekutibo. Ang tangi lang daw karanasan ni Poe ay nang maging chairperson ng MTRCB nang hirangin siya ni PNoy.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Manipis pa rin daw ang karanasan ni Amazing Grace dahil tatlong taon pa lang siyang nakaupo sa Senado. Sagot ni Pulot: “Marami nga na matagal na sa pulitika at sa gobyerno, pero palpak at wala namang nagawa para sa bayan.”

Magugunitang si Poe ang chairperson ng komite sa Senado na duminig sa trahedya ng Mamasapano na ikinamatay ng 44 SAF commando, at sa report niya, idineklarang si PNoy ang “ultimately responsible” sa palpak na operasyon na ipinagkatiwala sa suspendidong kaibigang si PNP Director General Alan Purisima. (BERT DE GUZMAN)