Naaagnas na ang bangkay ng isang 29-anyos na babae, na pinaniniwalaang biktima ng panggagahasa, na natagpuan sa Barangay Legarda Tres sa Dinas, Zamboaga del Sur, kahapon ng umaga.

Ayon sa Dinas Municipal Police, natagpuan ang bangkay ni Jomarie Cañete, may asawa, sa Purok 6, malapit sa kanyang tirahan sa Bgy. Legarda Tres.

Batay sa imbestigasyon, ang biktima ay may isang tama ng bala ng baril sa ulo, maraming pasa sa iba’t ibang parte ng katawan, at walang suot na panty.

Nakuha ng mga pulis sa lugar ang isang basyo ng .45 caliber pistol sa lugar na kinatagpuan sa biktima.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Malaki ang hinala ng pulisya na ginahasa muna ang biktima bago pinatay sa lugar. (Fer Taboy)