Ni NORA CALDERON

Alden, Maine, at RobinPAGKALIPAS ng mahigit na dalawang taon, saka lang muling nagkita sina Robin Padilla at Alden Richards, sa “TNT Super Panalo Day” sa SM Mall of Asia Arena last Friday evening. Pareho kasi silang endorser ng Smart telcom kasama sina Maine Mendoza at Jericho Rosales. Pero no show si Jericho sa malaking promo nila na marami sa mga dumalo at nag-uwi ng malalaking premyo.

Matatandaan na unang nagkasama sina Robin at Alden sa 10,000 Hours na entry sa 2014 Metro Manila Film Festival, si Alden ang gumanap bilang batang pulis na si Panfilo Lacson na ginampanan naman ni Robin kalaunan sa istorya. Hindi man nagkasama sa eksena, naroon naman lagi sa shooting ni Alden si Robin, kaya nagkakilala silang mabuti at kahit ngayon, mataas ang pagkilala ni Alden kay Robin bilang tinitingalang artista sa industriya.

First time naman na-meet in person ni Robin si Maine. Kahit kasi endorsers sila ng TNT, hindi niya nakasama sa TVC shoot ang magka-love team.  Nang ipakilala ni Alden si Maine kay Robin, matapos niyang halikan ito sa kamay, he congratulated Alden sabay sabing: “Kayo na pala, ang galing mo bata!” na sinalubong ng tilian at palakpakan ng full-packed na MOA.  Pagkatapos ay ang dance number nila na tuwang-tuwa si Robin sa pagiging game ni Maine sa pagsayaw.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Na-extend ang show na dapat ay two hours lamang na ikinatuwa ng AlDub Nation. Nanggaling pa kung saan-saan ang iba’t ibag fans club nina Alden at Maine na nang lumabas para mag-perform ay nahirapan ang security sa pagsugod ng mga ito sa stage. Iyon ang first time na magkasamang pag-perform ng AlDub sa isang live show sa Metro Manila na hindi nila nagawa noong nagpu-promote sila ng My Bebe Love #KiligPaMore noong MMFF.