AS expected, kinilig ang OTWOLISTAs at JaDine fans sa finale episode ng On The Wings of Love.
Wala kami sa “Final Flight” ng OTWOL sa Ynares Center sa Antipolo last Friday night, si Bossing DMB ang kumober, na nagkuwentong napakasaya ng event dahil bago ang finale live viewing ay may special pre-show ang cast bilang pasasalamat sa lahat ng OTWOLISTA na hindi bumitiw sa loob ng anim na buwang pagpapalabas ng serye.
Editor’s note: Nabingi-bingi ako sa walang humpay na hiyawan. I’m sure, marami ang tonsils na namaga nang gabing iyon. Maraming happenings sa Ynares Center na ayon sa ad-prom ng Dreamscape Entertainment ay mapapanood ang highlights sa special documentary na ipapalabas nila ngayong araw, pagkatapos ng ASAP. Hindi namin nainterbyu ang JaDine love team pero may exclusive interview sa kanila na mapapanood din sa docu.
Ang napanood sa final episode ng OTWOL ay ang much-awaited wedding nina Clark (James Reid) at Leah (Nadine Lustre).
Ibinuking ni Direk Antoinette Jadaone sa kanyang Twitter account na si James mismo ang sumulat ng wedding vow niya para sa karakter ni Nadine.
Tweet ni Direk Tonet, “Trivia: Asked James for help in writing his wedding vows. So yes, he co-wrote his own vows.”
Si Direk Tonet ang unang nakabasa ng naturang vow.
“Leah, ang tagal ko itong hinintay but was all worth the wait. It was worth every tear and every smile. It was worth every slap and every kiss. It was worth every sad and every happy memory. It was worth every time that I lost you just to find myself back into your arms again.
“Destiny doesn’t always decide on everything. It only gives us a little push in the right direction. We decide if it’s worth fighting for, worth living for. And Leah, you are worth every fight and you are worth every wait.
“My promise to you is that my love will always be greater that the time I must wait and the distance I must travel to be with you. Sa ‘yo lang ako.’
Sagot naman ni Leah, “Clark, ngayong nandito ka na at nandito ako, hindi ko inakala na mas magiging masaya ako.
Ngayon, isa ka sa panaginip ko. Thank you, Clark, because reality is finally better than my dreams.
“Kahit matupad ko ang mga pangarap ko, kung ‘di kita kasama balewala ‘yung mga ‘yun. Your love made me soar higher than my dreams could ever take me. Hinding-hindi kitang iiwan dahil mahal kita. Sa ‘yo lang ako, Clark.”
Kung gaano kalakas ng hiyawan at padyakan sa Ynares Center, ganoon din ang narinig namin sa mga kapitbahay naming habang nanonood ng On The Wings of Love.
Mas lalong nagpakilig sa mga nasa Ynares Center ang paglabas nina Clark at Leah na naka-wedding outfit na hiyawan to the max ang lahat na halos walang isinisigaw kundi ‘kiss’ kaya halos wala ring ginawa ang dalawa kundi mag-kiss.
Bagamat may nagsasabing bitin ang pagtatapos ng OTWOL dahil sa tambak-tambak na commercials kada gap, gandang-ganda ang televiewers sa bago at kakaibang pagtatapos ng serye.
(Editor’s note uli: Bukas, ang analysis at mga obserbasyon namin sa unang TV series ng JaDine.) (REGGEE BONOAN)