Muling pinatutsadahan ng isang opisyal ng Palasyo si Vice President Jejomar Binay dahil sa umano’y panlilinlang nito sa mga maralita na maiaahon sila sa kahirapan kapag nahalal ito bilang susunod na pangulo ng bansa.

Ito ay matapos birahin ng kampo ni Binay ang administrasyong Aquino dahil hindi umano batid ng gobyerno ang tunay na kahulugan ng pagiging “mahirap” dahil hindi ito naranasan ng mga opisyal ng kasalukuyang gobyerno.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na nililinlang lamang ni Binay ang publiko sa pangako nitong iaangat ang estado ng buhay ng mga maralita kapag pinalad na mahalal sa Mayo 9.

“Ang pinakamalaking kasalanan ni Vice President Binay ay ang pagnanakaw mula sa mamamayan at binubulag ang mga ito sa pangakong sila ay kanilang iaahon sa kahirapan,” pahayag ni Lacierda.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

“Pinapipila niya ang mga tao sa lansangan upang bigyan sila ng P100, subalit kinalaunan ay nanakaw din sila,” dagdag ni Lacierda.

Una nang itinuring ni Lacierda ang pangalawang pangulo bilang “eksperto sa kurapsiyon” matapos akusahan ng kampo ni Binay ang gobyernong Aquino na hinuhuthot ang pondo ng Bottom-Up Budgeting (BUB) program para sa pangangampanya ng mga kandidato ng Liberal Party. (Madel Sabater-Namit)