Agaw-buhay ang isang binata nang saksakin ng kanyang kainuman na nagalit matapos niya itong paalalahanan tungkol sa gun ban sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Nakaratay ngayon sa Tondo Medical Center si Robert Kalangit, 26, ng No. 65 Dulong Hernandez, Barangay Ibaba ng nasabing lungsod, sanhi ng mga saksak sa ulo at katawan.

Pinaghahanap na ang suspek na si Marvin Buhino, 18, residente ng Magsaysay Street, Bgy. San Agustin, Malabon City.

Ayon kay PO3 Rommel Habig, bandang 2:00 ng madaling araw, nag-iinuman ang dalawa sa Pasco, Bgy. Tonsuya, nang mapansin ni Kalangit na may dalawang pen gun si Buhino kaya’t sinabi niyang itapon ang mga ito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Nag-alala daw ‘yung victim kasi nga election gun ban ngayon. Baka daw matiyempuhan ng mga pulis sa checkpoint,” ayon kay PO3 Habig.

Sa halip na makinig sa payo ni Kalangit, nagalit si Buhino at sinaksak ang biktima. (Orly L. Barcala)