PHILADELPHIA (AP) -- Ganti o sadyang nagkataon lamang?

Naitala ni Nikola Vucevic ang season-high 35 puntos para sandigan ang Orlando Magic laban sa dating koponan na Philadelphia 76ers, 124-115, Martes ng gabi (Miyerkules sa Manila).

Humugot din si Vucevic, kinuha ng 76ers bilang 16th overall noong 2011 drafting, ngunit ipinamigay sa Orlando nitong summer, ng 9 na rebound sa larong itinuturing na “must game” ni Magic coach Scott Skiles.

Hataw din si Victor Oladipo sa iskor na 22 puntos, habang tumipa si Evan Fournier ng 21 para sa Magic, haharapin ang NBA-best Golden State Warriors sa kanilang tahanan sa Huwebes (Biyernes sa Manila).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nag-ambag si All-Star slam dunk runner-up Aaron Gordon ng 11 puntos at 11 rebound.

WIZARDS 109, PELICANS 89

Sa Washington, pinatalsik ng Wizards, sa pangunguna ni John Wall na may 16 na puntos, 12 rebound, at 11 assist, ang New Orleans Pelicans.

Kumubra rin si Marcin Gortat ng 21 puntos at 11 rebounds para sa Washington para sa ikaapat na sunod na panalo sa home game. Nag-ambag si Jared Dudley ng 18 puntos, tampok ang anim na 3-pointer.

Nalimitahan si Anthony Davis sa 9 na puntos mula sa 3-for-9 shooting. Nitong Linggo, kumana ang All-Star forward ng 59 na puntos at 20 rebounds sa panalo ng Pelicans kontra Detroit Pistons.

Nanguna si Jrue Holiday sa Pelicans sa natipang 20 puntos at 7 assist.

BLAZERS 112, NETS 104

Sa Portland, Oregon, tinupok ng TrailBlazers, sa pangunguna nina Damian Lillard at C.J. McCollum na kumana ng tig-34 puntos, ang Brooklyn Nets para sa ikaanim na sunod na panalo.

Tinanghal si Lillard na unang player ng Portland na nakaiskor na 30 puntos o higit pa sa limang sunod na laro mula nang magawa ni Geoff Petrie ang marka noongh 1970-71 season.

Tabla ang iskor bago naisalpak nina McCollum at Lillard ang magkasunod na 3-pointer para sa 107-101 bentahe may 1:25 sa laro. Naselyuhan ni Lillard ang panalo sa apat na sunod na free throw.

Nagdagdag si Mason Plumlee ng 13 rebound sa Portland (30-27) para makisosyo sa Dallas sa ika-anim na puwesto sa Western Conference.

Nanguna si Brook Lopez sa Nets na may 36 na puntos at 10 boards, habang kumana si Joe Johnson ng 19 na puntos at 8 rebound.

JAZZ 117, ROCKETS 114 (OT)

Sa Salt Lake City, kumana si Gordon Hayward ng 28 puntos sa panalo ng Utah Jazz kontra Houston Rockets sa overtime.

Bunsod ng panalo, nakuha ng Jazz ang ika-walong seed sa habulan sa Western Conference playoff.

Hataw si James Harden sa Rockets sa natipang 42 puntos, habang kumana si Jason Terry ng 20 puntos, kabilang ang 3-pointer may 10.8 segundo sa laro para maipuwersa ang overtime.