Pebrero 20, 1998 nang kilalanin si Tara Lipinski bilang pinakabatang gold medalist sa figure skating, sa Olympic Winter Games sa Nagano, Japan. Gayuman,sinabi niya na hindi niya inaasahang madadaig niya ang iba pang kalahok, at nakaramdam siya ng matinding kaba. Binigyan siya ng mga hurado ng gradong 5.8 o 5.9 out of 6.0 sa kanyang naging presentasyon, at ang kanyang mga galaw ay mahirap gawin.

Nakuha ni Lipinski ang kanyang unang pares ng skates noong siya ay anim na taong gulang pa lang, at nakatanggap ng gintong medalya sa junior-level ng United States (US) Olympic Festival noong 1994. Tinalo niya ang fan favorite na si Michelle Kwan noong 1997, at nanalo ng first place sa national at world figure championship.

Abril 1998 nang ihayag ni Lipinski na magiging professional skater siya, at napanood sa “Stars on Ice” at sa iba pang skating shows. Napabilanga ng kanyang pangalan sa US Figure Skating Hall of Fame noong 2006.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal