Ang makasaysayang Hinulugang Taktak sa Antipolo City, Bagasbas Beach sa Daet at ang tanyag na Tatlong Eme sa Atimonan sa Quezon Province kung saan bahagi ang tinatawag na “Magnetic Hill” sa km. 155 at higit sa lahat - ang Mayon Volcano sa Legaspi City sa Albay -- ang ilan lamang sa tourist attractions na masisilayan ng mga kalahok at tagasuporta sa pagpadyak ng Le Tour de Filipinas 2016.

Binubuo ng halos 400 kataong entourage ang makakatunghay sa espesyal na pook na dadaansanctioned ng International Cycling Union (UCI) bilang bahagi ng Asian Tour race.

Bagama’t nangunguna ang sporting component ng Le Tour de Filipinas na hatid ng Air21 sa mga prayoridad ng race organizer na Ube Media Inc., hindi naman nawawala sa kanilang listahan ang aspeto ng sports tourism sa four-stage cycling spectacle na nagtatampok sa 12 mga dayuhang koponan at tatlong lokal.

“Cycling as a sport has always been the advocacy of Air21 and Ube Media Inc., but with it is the promotion of the Philippines as a major tourist attraction,” pahayag ni Ube Media Inc. President at Le Tour de Filipinas chairman Donna Lina.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“In the first six editions of the Le Tour, the attractions of Central and Northern Luzon were promoted intensely by the race. This time, we are headed down south where Southern Luzon and Bicol would be at center stage, featuring a different yet equally picturesque attractions,” aniya.

Samantala, lahat ng 75 siklista sampu ng kanilang mga team managers ay umakyat na sa Antipolo City nitong Martes.

Nagsagawa rin nang iba pang mga UCI procedures, gaya ng pag-review sa mga lisensiya at team managers meeting bago ang welcome ceremony sa Hinulugang Taktak. (Marivic Awitan)